sorry sa kung sino mang makakabasa pero talagang nangangasim ako at naglalaway pag naaalala ko kung gaano kasarap ang empanada!
kaya sa unang hapon namin sa Solsona noong 24 December 2006, namasyal kami ni hubby, our kids, JB and Joy, sa town plaza. so stroll kami doon, dito, kaso nag-jam ang film. hassle nga! GUSTONG-gusto ko pa namang makakuha ng maraming pictures sa bakasyon namin doon. me slide at swing kaya syempre, nag-slide at nag-swing din ang aming panganay, gusto rin sana ni Joy noon kaso nilagnat nga sya bago kami dumating doon kaya di sya tumodo ng laro.
then lakad kami papunta sa town center. me empanada stand! at me mga luto na! ano pa?! syempre di na ko nagpatumpik-tumpik, bumili kami ng 3 piraso at puro special pa (me longanisa na me itlog pa) syempre kasama da sa take-out ang suka ti Ilocos (naimas kabsat!).
i got this empanada photo online i have yet to search from what website this was from
nagustuhan ng hubby ko at panganay yong empanada, pero siguro di pa masyadong magaling kaya ayaw noon ni Joy.at bumili pa kami ng softdrink doon sa bakery nina Lola Lita (Guillermo, better half ni Lolo Manning Guillermo).
kumakain kami ng empanada at sumisipsip ng softdrink (chuckie kay JB at Joy) habang naglalakad pauwi. doon kami kay aunty Pilar tumuloy, nire-rent nya ang bahay nina Mrs. Cayetano doon sa abagatan ilang hakbang lang mula sa Central School.
medyo madilim na nong makauwi kami. ok lang at least nakakain kami ng empanada!
No comments:
Post a Comment