Showing posts with label Chris. Show all posts
Showing posts with label Chris. Show all posts

Tuesday, February 23, 2010

Tambalang Balasubas at Balahura

Add to Technorati Favorites

Nicole Hyala? Chris Tsuper?

Sino nga ba ang mga taong yan?

Hay!

When I first heard them talk on the radio para akong nakikinig sa isang ipinagbabawal na palabas! Napakabulgar namang magsalita ng dalawang ito! Hindi ba sila sinisita ng simbahan o ng mga censors?! I really was turned off the firts time I heard the dou over the radio.

Buti na lang favorite ata sila ng bus driver and conductor ng nasakyan kong bus. At syempre captive listener! Ano pa nga bang magagawa ko kung mula pagsakay hanggang pagbaba ko ay nakatutok ang radio sa 90.7 Love Radio!

Hay! Kahit takpan ko non ang mga tenga ko naririnig ko pa rin sila!

Ayon! Na-immune ata mga eardrums ko sa tawa nilang dalawa kaya ayon nalaman ko na ok naman pala silang talaga. Nag-aadvice sila sa mga listeners na may problema. At natutuwa ako sa mga advice nila, may sense namang talaga (kahit minsan nakakalokang pakinggan mga side comments nila!

So, every morning I try to catch them while the dou are on air. "Tambalang Balasubas at Balahura" ang pangalan ng program nila.

Nakakatuwa silang pakinggan, minsan sinisita ako ng mga ka-officemates ko kung bakit bigla na lang akong tawa ng tawa o ngingiti-ngiti. Itinuturo ko na lang mga earphones ko. In fact napagaya sa kin ang ilan sa kanila at nakikitawa na rin sila tuwing slot na ni Nicole at Chris.


Google Analytics =paste the ff. code in every post you want tracked